Ipinahayag Miyerkules, Oktubre 19, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina, na ang Global Development Initiative (GDI) na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-76 Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN) noong 2021 ay naglalayong pasulungin ang pagpokus ng komunidad ng daigdig sa isyu ng pag-unlad at pagpapahigpit ng kooperasyong pandaigdig sa isyung ito.
Sinabi ni Wang na ang GDI ay mahalagang ambag ng Tsina para lutasin ang mga hamon at kahirapan na kinakaharap ng pag-unlad ng buong daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Mac