IOC: Beijing Winter Olympics, pinanood ng mahigit 2 bilyon katao

2022-10-21 14:28:29  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Huwebes, Oktubre 20, 2022 ng International Olympic Committee (IOC) na batay sa datos ng independent research, 2.01 bilyon katao ang nanood ng 2022 Beijing Winter Olympic Games sa pamamagitan ng  pagsasahimpapawid sa TV and mga digital platforms.


Ang bilang na ito ay naging rekord sa kasaysayan na tumaas ng 5% kumpara sa bilang ng mga manonood ng 2018 Pyeong Chang Winter Olympics.


Ang mga Olympic fans sa buong daigdig ay nanood ng 713 bilyong minutong coverage ng Olimpiyada sa pamamagitan ng channels ng Olympic media rights partners. Ang bilang na ito ay tumaas ng 18 % kumpara sa 2018 Pyeong Chang Winter Olympics.


Salin: Ernest

Pulido: Mac