Ayon sa Ministri ng Tanggulang Bansa ng Rusya, nag-usap sa telepono nitong Biyernes, Oktubre 21, 2022 sina Sergei Kuzhugetovich Shoigu, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Rusya, at Lloyd Austin, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika kung saan tinalakay ng kapwa panig ang tungkol sa mga maiinit na isyu ng kaligtasang pandaigdig na tulad ng situwasyon ng Ukraine.
Sapul nang isagawa ng Rusya ang espesyal na aksyong militar sa Ukraine noong nagdaang Pebrero, ito ang kanilang ikalawang pag-uusap sa telepono.
Ipinagdiinan sa pag-uusap ni Austin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng maalwang pagsasangguniang Amerikano-Ruso sa panahon ng sagupaan ng Rusya at Ukraine.
Bukod pa riyan, nakipag-usap sa telepono nang araw ring iyon si Austin kay Oleksii Yuriyovych Reznikov, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Ukraine upang talakayin ang situwasyon ng Ukraine.
Salin: Lito
Pulido: Mac