Great Hall of the People, Beijing — Ipininid Oktubre 22, 2022 ang 7 araw na Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Nangulo sa sesyong ito si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.
Naihalal sa sesyon ng pagpipinid ang Ika-20 Komite Sentral ng CPC at Ika-20 Komisyong Sentral sa Inspeksyon ng Disiplina ng CPC, at pinagtibay ang resolusyon ng ulat ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, resolusyon ng working report ng Ika-19 na Komisyong Sentral sa Inspeksyon ng Disiplina ng CPC, at resolusyon ng “Party Constitution amendment.”
Ang Pambansang Kongreso ng CPC at naihalal nitong Komite Sentral ay pinakamataas na namumunong organo ng CPC. Idinaraos kada 5 taon ang Pambansang Kongreso ng CPC.
Salin: Lito
Pulido: Mac