Poll: Kabataan ng mundo, tanggap ang ideya ng Tsina sa pag-unlad

2022-10-24 18:04:50  CMG
Share with:

 

Ayon sa pampublikong sarbey na isinagawa sa 4,700 dayuhang respondent na edad 30 anyos pababa, 84.7% sa kanila ay sang-ayon sa ideyang ang landas ng pag-unlad ay dapat angkop sa sariling pambansang kalagayan at walang iisang istandard at modelo ng modernisasyon ang angkop sa lahat ng mga bansa ng daigdig.

 

Bukod dito, 80.1% ang pabor din sa ideyang pangkaunlaran na iniharap ng CPC na “ipauna ang mga mamamayan.”

 

Maliban diyan, katanggap-tanggap din sa kanila ang ideyang ang modernisasyong may istilong Tsino ay modernisasyon ng magkasamang pagyaman ng buong sambayanan.

 

Ang naturang sarbey ay isinagawa ng China Global Television Network (CGTN) at Renmin University ng Tsina.

 

Halos 40% ng mga respondent ay galing sa mga kanluraning bansa na gaya ng Amerika, Britanya, Pransya, Alemanya, Italya, Hapon, at Australia.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio