Ipinadala kahapon, Oktubre 23, 2022 ng mga lider ng Hilagang Korea, Biyetnam, Laos at Cuba ang mensaheng pambati kaugnay ng muling pagkahalal ni Xi Jinping bilang pangkalahatang kalihim Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ipinahayag ni Kim Jong-un, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Korean Workers Party (KWP) ng Hilagang Korea, na naniniwala siyang sa ilalim ng pamumuno ni Xi, matatamo ng CPC at mga mamamayang Tsino ang bagong tagumpay sa konstruksyon ng sosyalistang modernisasyon ng Tsina.
Kasama ni Xi, sinabi ni Kim na handa siyang pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa patungo sa mas magandang kinabukasan.
Ipinahayag naman ni Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), na lubos na pinahalagahan ng CPV ang mahalagang ambag ni Xi para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang basna at kapakanan ng mga mamamayang ng dalawang bansa.
Kasama ni Xi, nakahanda aniya siyang isakatuparan ang mahahalagang komong palagay ng dalawang panig at pasulungin ang sustenable, malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Biyetnam at Tsina.
Samantala, sinabi ni Thongloun Sisoulith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP), na ang mga mahalagang ideya na iniharap ni Xi na gaya ng Community with a Shared Future for Mankind, Belt and Road Initiative, Global Development Initiative at Global Security Initiative ay nagkaloob ng positibong papel sa usaping pangkapayapaan ng buong daigdig.
Kasama ni Xi, nakahanda aniya siyang palalimin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa para magdulot ng mas maraming kapakanan sa kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag ni Miguel Díaz-Canel Bermúdez, Unang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Cuba, na nakahanda siyang pasulungin, ksama ni Xi, ang sustenableng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa para makinabang ang kanilang mga mamamayan.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio