GDP ng Tsina mula Enero hanggang Setyembre 2022, lumaki ng 3%

2022-10-25 15:50:22  CMG
Share with:

 

Ayon sa datos na inilabas Oktubre 24, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika (NBS) ng Tsina, umabot sa mahigit 87 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Tsina mula Enero hanggang Setyembre 2022, na lumaki ng 3% kumpara sa gayunding panahon ng 2021.

 

Samantala, ang GDP ng Tsina sa ikatlong kuwarter ng taong ito ay lumaki ng 3.95% kumpara sa gayunding panahon ng nakaraang taon.

 

Ayon pa sa datos, ang Industrial added value above designated size ng Tsina mula Enero hanggang Setyembre ay mas malaki rin ng 3.9% kumpara sa parehong panahon ng 2021.

 

Dagdag pa ng NBS, ang kabuuang halaga ng retail sales ng bansa mula Enero hanggang Setyembre ay lumampas sa 32 trilyong yuan RMB at ang contribution rate ng gastusin sa pinal na konsumo para sa paglaki ng kabuhayan ay umabot sa 41.3%.

 

Ang karaniwang disposable income ng mga residenteng Tsino noong unang tatlong kuwarter ng taong ito ay umabot sa 27,650 yuan RMB na aktuwal na lumaki ng 3.2% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, saad pa ng kawanihan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio