Nguyen Phu Trong, dadalaw sa Tsina

2022-10-25 16:00:42  CMG
Share with:

 

Ipinatalastas ngayong araw, Oktubre 25, 2022 ni Hu Zhaoming, Tagapagsalita ng Departamentong Internasyonal ng Komite Sentral ng Partido Komunista Tsina (CPC), na sa paanyaya ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, opisyal na dadalaw sa bansa si Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam, mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 ng kasalukuyang taon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio