Karera ni Xi sa pulitika, inilarawan ng Xinhua News Agency

2022-10-26 15:55:17  CMG
Share with:

 

Isinapubliko kahapon, Oktubre 25, 2022 ng Xinhua News Agency ang isang espesyal na artikulo para ilarawan ang mga detalye hinggil sa karera at pamumuhay ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Ang nilalaman ng naturang artikulo ay kinabibilangan ng karanansan habang lumalaki si Xi, kaniyang edukasyon, pamilya, trabaho, at mga nagawa niya bilang pangkalahatang kalihim ng CPC.

 

Ayon sa naturang artikulo, ang mga patakaran ni Xi ay naglalayong lutasin ang mga hamon sa pag-unlad ng Tsina na gaya ng korupsyon, polusyon sa kapaligiran at mahihirap na mamamayan.

 

Bukod dito, lubos na pinasusulong ni Xi ang pag-unlad ng buong-prosesong demokrasyang bayan at kung ano ang ibig sabihin ng demokrasya para sa lahat ng mga mamamayng Tsino.

 

Tinukoy ng artikulo na palaging inilalagay ni Xi ang mga mamamayang Tsino sa nukleong puwesto ng pambansang pag-unlad at ang ideya ni Xi sa pag-unlad ay nagpapasulong ng magkasamang pagyaman ng buong sambayanang Tsino.

 

Inilahad ng artikulo ang kalagayan ng paglahok ni Xi sa mga aktibidad na pandaigdig para iharap ang paninindigan at plano ng Tsina sa paglutas ng mga isyung pandaigdig.

 

Anito pa, ang layon ni Xi ay pasulungin ang magkasamang pag-unlad ng iba’t ibang uri ng sibilisasyon ng mga bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Mac