Patuloy na ipinapadala kamakailan ng mga pulitiko at partido ng iba’t ibang bansa ang mensaheng pambati sa muling pagkahalal ni Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ipinahayag ni Yoon Seok-Youl, Pangulo ng Timog Korea, na umaasa siyang mapapahigpit, kasama ni Xi, ang pag-uugnayan at pagtutulungan para pangalagaan ang katatagan, kapayapaan at kasaganaan ng Korean Peninsula at rehiyon ng Hilagang Silangang Asya.
Ipinahayag naman ni Fumio Kishida, Presidente ng Liberal Democratic Party (LDP) at Punong Ministro ng Hapon, na isinasabalikat ng Hapon at Tsina ang mahalagang responsibilidad sa pangangalaga sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig. Nakahanda aniya siyang pahigpitin, kasama ni Xi, ang pag-uugnayan para itakda ang direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones at buong sikap na itatag ang konstruktibo at malusog na relasyon ng dalawang bansa.
Kabilang sa iba pang mga pulitiko at partidong nagpahayag ng pagbati ay mula sa mga bansang gaya ng Sri Lanka, Tajikistan, Mozambique, Venezuela, Uzbekistan, Iran, Algeria, Cambodia, Mongolia, Bangladesh, Ethiopia, Bolivia, Russia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Brazil, Syria, Iraq, Romania, Belarus, Burundi, South Sudan, Kenya at South Africa.
Salin: Ernest
Pulido: Mac