Vlog ni Sissi: Lakbay sa Yunnan-Zhuanxin Farmers' Market

2022-10-26 13:06:59  CRI
Share with:

Hello po, mga kaibigang pinoy, ito po si Sissi, isang magandang bagong araw, bumili po tayo ng gulay.


Ano ang pakiramdam ng pamamasyal sa farmers’ market sa Yunnan? Bilang isa sa mga pinakamalaking pinagmumulan ng gulay sa Tsina, puwedeng makita ninyo ang mga pinakasariwa at pinaka-kakaibang gulay na bagong ani mula sa lupa bago pa man maging tirik ang araw. At bilang probinsyang nasa hanggahan ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya, puwedeng mabili rito ang pinakakumpletong ingredients galing sa iba't ibang lugar ng Tsina.



Ang Zhuanxin Farmers' Market sa lunsod ng Kunming ng Probinsyang Yunnan ay tinaguriang isa sa mga pinakamagandang palengke sa Tsina. Mataas na pinahahalagahan ng mga tindero o tindera ang kagandahan at kalinisan ng palengke, parang ang lahat ng shopkeepers dito ay merong obsession at mysophobia-walang imburnal, walang nagtapon ng talop ng gulay o prutas, ang lahat ng produkto ay nakatambak o tinali nang maayos. Kahit tapos na ang rush hour sa umaga, konti na lang ang mamimili, abalang-abalang pa sila sa paglilinis at pagbalat at naghahanda para salubungin ang rush hour sa tanghali. Quick and neat.


Bukod ng mga gulay, karne at prutas, ang Zhuanxin Market ay isang magandang lugar para tikman ang mga street food ng Yunnan. Walang mataas na dining table, walang malawak na espasyo, pero, merong mura, masarap at tunay na pagkain ng Yunnan. Kung kayang kumain kayo ng mga maanghang, maraming pagpipilian sa Zhuanxin tulad ng pepper chicken, inihaw na eggplant kasama ng chili sauce, Shiping tofu, at kung ayaw ang mga maanghang, popular na popular naman ang braised pork with chestnuts, glutinous rice ball with red bean, beef pancake at iba pa.



Bago kayo umalis ng Yunnan, huwag kalimutang dalhin ang mga pasalubong mula sa Zhuanxin Farmers' Market. Ang mga kilalang souvenir items ng Yunnan ay kinabibilangan ng Yunnan Ham, tuyong mushroom, rose jam, flower cake at pu'er tea. Pumili lang ako ng isang tindahan at random, at inalok ako ng tindera na tikman muna bagong magplace ng order.


Tingnan ninyo, kung gaano karami ang binili ko. Ang bigat!.


Ok, babalik ako sa hotel at kakain muna. Sa susunod na linggo itutuloy natin ang biyahe natin sa Yunnan. Kita-kits.


Pulido: Mac


Video Editor: Sissi