Op-Ed: Paggigiit ng “dynamic zero-COVID policy,” isang responsibilidad hindi lamang sa mga Tsino, kundi maging sa daigdig

2022-10-27 11:35:53  CRI
Share with:

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na sa harap ng pananalasa ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), iginigiit ng Tsina ang pagpapauna sa kapakanan ng mga mamamayan at kanilang buhay, at buong tatag na iginigiit ang “dynamic zero-COVID policy.”


Ito aniya ay nangangalaga sa pinakamalaking digri, sa kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.


Ano ang “dynamic zero-COVID”? Hindi ito nangangahulugang lubusang makokontrol ang pagkalat ng coronavirus, bagkus, ang ibig sabihin ay, kung matutuklasan ang bagong kalagayang epidemiko, agaran itong pupuksain para pigilan ang pagkalat ng coronavirus sa lugar kung saan ito natuklasan at iba pang lugar.


Layon nitong pigilan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pinakamaliit na kapinsalaan, isakatuparan ang pinakamalaking bisa ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at pangalagaan sa pinakamalaking digri ang kalusugan ng mga mamamayan at normal na kaayusan ng produksyon at pamumuhay.


Ngunit sapul nang sumiklab ang COVID-19, paulit-ulit na pinagdududahan ng ilang politiko’t media ng Amerika at kanluran ang “dynamic zero-COVID” ng Tsina.


Kung gayon, bakit dapat igiit ng Tsina ang polisyang ito? May 4 na pangunahing dahilan:


Una, ang paggiit ng “dynamic zero-COVID” policy ay esensya at layunin ng CPC.


Palagiang alituntuning administratibo ng CPC ang mga ideya ng tradisyunal na kulturang Tsino gaya ng, “Ang bansa ay ang mga mamamayan, at ang mga mamamayan ay ang bansa”, “Ang tunay na kasaganaan ng bansa ay malagong buhay ng sambayanan” at iba pang “kaisipang nagpapauna sa kapakanan ng mga mamamayan.”


Ang CPC ay palagiang kumakatawan sa pundamental na kapakanan ng pinakamalawak na masa ng mga Tsino, at ang puspusang paglilingkod sa mga mamamayan ay saligang layunin ng CPC. Kaya, palagiang inilalagay ng CPC ang paggarantiya sa kalusugan ng mga mamamayan sa preperensyal na katayuang estratehiko.


Ikalawa, may kondisyon at kakayahan ang Tsina upang isagawa ang “dynamic zero-COVID.”


Dahil sa bentaheng institusyonal, may malakas na kakayahan ang Tsina sa pag-organisa at pagpapakilos: ito ay nagpapakita ng diwa ng kolektibismo ng mga mamamayang Tsino. Ang sistemang pangkalusugan ng Tsina ay mayroong malakas na kakayahan sa mga aspektong tulad ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, pagbibigay-lunas, garantiya sa mga materyal, at pagpaplano ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Kaya ang mga ito ay nagkakaloob ng napakalakas na suporta sa patuloy na pagsasagawa ng Tsina sa “dynamic zero-COVID.”


Ikatlo, ang paggigiit ng Tsina sa polisyang “dynamic zero-COVID” ay realistiko at naka-ayon sa kasalukuyang kalagayang pang-estado ng bansa.


Ang Tsina ay may mga 1.4 na bilyong populasyon, at marami rito ay matatanda. Kung aalisin ang nasabing patakaran, tiyak at malawak na kakalat ang pandemiya, na magreresulta sa kapahamakan.


Ayon sa isang research paper na inilabas ng siyentipikong magasing “Nature,” kung papawalang-bisa ng Tsina ang patakarang “dynamic zero-COVID,” posibleng marami ang mahahawa, at sa loob ng 6 na buwan, maaaring magpositibo sa COVID-19 ang mahigit 112 milyong populasyon at halos 1.6 milyong buhay ang mawawala.


Ika-apat, ang paggigiit ng patakarang “dynamic zero-COVID” ay nagpapahiwatig ng pandaigdigang responsibilidad ng Tsina bilang isang malaking bansa.


Dahil sa paggigiit ng 1.4 bilyong Tsino sa naturang patakaran, nabawasan sa pinakamalaking digri ang negatibong epektong dulot ng COVID-19 sa kabuhayan at lipunan, at napatatag ang pundasyon ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at iba pang bansa.


Ipinalabas ng Bloomberg ang isang artikulong “Why the World Needs China’s COVID-Zero Policy?” na nagsasabing nakikinabang ang buong mundo sa patakarang ito.


Anito, kung itatakwil ng Tsina ang patakarang “dynamic zero-COVID,” kakalat ang coronavirus sa 1.4 bilyong populasyon, at magdudulot ng napakalaking kapinsalaan sa buong sangkatauhan.


Batay sa katotohanan, layon ng paggigiit ng Tsina sa patakarang “dynamic zero-COVID” ay pangalagaan sa pinakamalaking digri ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan at bawasan sa pinakamalaking digri ang epektong dulot ng pandemiya sa kabuhayan at lipunan.


Ito ay hindi lamang tungkulin sa mga mamamayan, kundi nagpapakita rin ng pandaigdigang responsibilidad ng Tsina bilang isang malaking bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio