China Documentary Festival-Africa Stop, sinimulan: dokumentaryong Tsino, ipapalabas sa Aprika

2022-10-27 10:56:41  CMG
Share with:

Sinimulan kahapon, Oktubre 26, 2022 ang China Documentary Festival (CDF)-Africa Stop upang ipalabas sa iba’t ibang main stream media platform ng mga bansang Aprikano ang mga dokumentaryong Tsino.

 

Ang China Documentary Festival ay magkasamang binuo ng China Media Group (CMG) at Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina.

 

Sa seremonya ng pagbubukas via video link, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG na ang Africa Stop ay ang unang espesyal na kaganapang panrehiyon ng CDF na magbubukas sa mata’t isipan ng mga Aprikano sa mga impormasyon at kaalaman kaugnay ng modernisasyong may istilong Tsino.

Si Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG)

 

Ito aniya ay isa pang mahalagang bunga ng kooperasyon sa pagitan ng mga media ng Tsina at Aprika, at pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang panig.

 

Dumalo sa seremonya ang mga opisyal at kinatawan ng media ng mga bansang Aprikano na gaya ng Cameroon, Comoros, Côte d'Ivoire, Senegal, Algeria, at Mauritius.


Salin: Ernest 

Pulido: Rhio