PBBM: Samal Island-Davao City Connector Bridge, makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan sa dakong timog ng bansa

2022-10-28 15:17:45  CMG
Share with:

Sa seremonya ng pagbubukas ng konstruksyon ng Samal Island-Davao City Connector Bridge kahapon, Oktubre 27, 2022, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Pilipinas na ang tulay na ito ay magpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at turismo sa Davao at Samal at magkakaloob ng maraming pagkakataon ng trahabo.


Ito aniya ay makakabuti sa pagbangon ng lipunan at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa dakong timog ng bansa pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Pinasalamatan din niya ang pagtulong ng pamahalaang Tsino sa konstruksyon ng imprastuktura ng Pilipinas sa loob ng mahabang panahon.


Dumalo rin sa seremonya sina Pangalawang Pangulong Sara Duterte-Carpio at Embahador Tsino na si Huang Xilian.


Sinabi ni VP Duterte na ang tulay na ito ay mahalaga para sa pag-unlad ng rehiyon ng Davao.


Ipinahayag naman ni Embahador Huang na ang tulay na ito ay isa pang natamong bunga ng kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Sinabi pa niyang nakahanda ang panig Tsino na mas mapalalim, kasama ng Pilipinas, ang kooperasyon sa agrikultura, imprastruktura, enerhiya at kultura para magdulot ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.


Ang kahabaan ng tulay na ito ay 3.81 kilometro at may two-way, four lanes. Ipinagkaloob ng panig Tsino ang US$ 350 milyon na pautang para sa konstruksyon ng tulay na ito.

Tinayang matatapos ang konstruksyon ng tulay sa taong 2027.


Salin: Ernest

Pulido: Mac