Ipinatalastas kamakailan ng pamahalaang Indyano ang isang taong pagpapahaba ng limitasyon sa pagluluwas ng asukal para maigarantiya ang suplay nito sa merkado ng bansa.
Ang India ang pangunahing bansang nagpoprodyus at nagluluwas ng asukal sa daigdig.
Ayon sa pagtaya ng Indian Sugar Mills Association (ISMA), mula Oktubre 2022 hanggang Setyembre 2023, aabot sa 36.5 milyong tonelada ang output ng asukal sa bansa.
Sinabi naman ng mga tagapag-analisa, na pangunahing layon ng nasabing hakbang ay harapin ang pagtaas ng presyo ng asukal sa daigdig.
Samantala, dahil sa sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine, tumataas ang presyo ng pagkaing-butil sa buong mundo.
Upang masolusyonan ang kakulangan ng suplay at pagtaas ng presyo sa kani-kanilang bansa, magkakasunod na nilimitahan ng ilang malaking bansa sa produktong agrikultural ang pagluluwas.
Salin: Lito
Pulido: Rhio