149 nasawi, 76 sugatan sa stampede sa Seoul, Timog Korea

2022-10-30 15:38:04  CRI
Share with:


Isang daan at apatnasiyam (149) katao ang naitalang nasawi, samantalang 76 na iba pa ang sugatan sa stampede na naganap Sabado ng gabi, Oktubre 29, 2022 sa Itaewon, isang distrito ng kabiserang Seoul ng Timog Korea.

Agarang pinatawag ni Pangulong Yoon Suk-yeol ng bansa ang isang pangkagipitang pulong kaugnay ng nasabing aksidente.

Ini-atas din niya ang dagliang pagsasagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa sanhi ng sakuna.


Salin: Lito

Pulido: Rhio