Mensahe ng pakikiramay kaugnay ng stampede sa Timog Korea, ipinadala ni Xi Jinping kay Yoon Suk-yeol

2022-10-30 15:38:55  CRI
Share with:

Isang mensahe ng pakikiramay ang ipinadala Linggo, Oktubre 30, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Yoon Suk-yeol ng Timog Korea kaugnay ng malaking human casualty na dulot ng stampede accident na naganap sa Seoul nitong Sabado.


Ani Xi, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinapa-abot niya ang malalim na pakikidalamhati sa mga nasawi at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima’t nasugatan sa nasabing aksidente. 


Salin: Lito

Pulido: Rhio