2022 WIC, gaganapin sa Nobyembre 9 – 11, 2022

2022-10-31 14:01:19  CRI
Share with:

Isiniwalat sa preskon, Oktubre 21, 2022 ng World Internet Conference (WIC) Wuzhen Summit, na gaganapin ang WIC Wuzhen Summit sa taong ito mula Nobyembre 9 hanggang 11.


Dadalo rito ang halos 2,000 kinatawan mula sa mga pamahalaan; pandaigdigang organisasyon ng mga industriya’t organo; kompanyang Tsino at dayuhan sa larangan ng network; unibersidad; at think tank ng mahigit 120 bansa’t rehiyon upang talakayin ang tungkol sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng cyberspace.


Ang nasabing summit ay ang unang taunang pulong makaraang maitatag ang organisasyong pandaigdig ng WIC na pasisinayaan sa kapuwa “online at offline” na porma.


Bukod pa riyan, ilalabas sa summit ang bluebook ng “Ulat ng Pag-unlad ng Internet ng Tsina sa 2022” at “Ulat ng Pag-unlad ng Internet ng Daigdig sa 2022.”


Salin: Lito

Pulido: Rhio