Kita ng industriya ng kultura ng Tsina sa unang tatlong kuwarter ng 2022, lumaki ng 1.4%

2022-10-31 14:16:58  CMG
Share with:

 

Inihayag Oktubre 30, 2022 ng National Bureau of Statistics (NBS) ng Tsina, na mula Enero hanggang Setyembre 2022, umabot sa 8.65 trilyong yuan Renminbi ang kita ng mga kompanyang Tsino sa industriya ng kultura.

 

Anang NBS, ito’y mas mataas ng 1.4% kumpara sa gayunding panahon ng nakaraang taon.

 

Maganda ang takbo ng mga bagong sibol na serbisyo ng industriya ng kultura, dagdag pa ng NBS.


Salin:Ernest

Pulido: Rhio