Sa kanyang mensaheng pambati ngayong araw, Oktubre 31, 2022, sa pagdaraos ng Global Observance ng 2022 World Cities Day at Ikalawang Pandaigdigang Komperensya sa Sustenableng Pag-unlad ng mga Lunsod, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa pamamagitan ng ideya ng “Better City, Better Life,” pinasusulong ng WCD ang sustenableng pag-unlad ng mga lunsod sa buong mundo.
Ito aniya ay may napakahalagang katuturan sa paglikha ng estruktura ng pag-unlad ng magkakasamang kasaganaan.
Umaasa aniya siyang aktibong makikibahagi ang mga lunsod ng iba’t ibang bansa sa Global Development Initiative, at pabibilisin ang pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development at New Urban Agenda (NUA) ng United Nations, para pasulungin ang pagbangon ng kabuhayan, pabutihin ang kalidad ng ekolohikal na kapaligiran, pataasin ang epektibong pagsasaayos sa mga lunsod, at magkakasamang pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng buong daigdig.
Sa ilalim ng temang “Act Local to Go Global,” binuksan nang araw rin iyon sa Shanghai, lunsod sa silangan ng Tsina, ang Global Observance ng 2022 World Cities Day at Ikalawang Pandaigdigang Komperensya sa Sustenableng Pag-unlad ng mga Lunsod.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio