Sa kanyang mensaheng pambati Oktubre 29, 2022 para sa ika-65 anibersaryo ng Samahan ng Pagkakaibigan ng Tsina at Rusya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na, nitong 65 taong nakalipas sapul nang itayo ang nasabing samahan, palagian nitong isinusulong ang pakikipagkaibigan ng Rusya sa Tsina, at ibinigay ang mahalagang ambag sa pagpapabuti ng pagkakaunawaan, pagkakaibigan, pagtitiwalaan, at pagpapatibay ng relasyong pangkaibigan ng Tsina’t Rusya.
Sinabi rin niyang sa kasalukuyan, napapanatili ang dekalidad na pag-unlad ng komprehensibong kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa bagong panahon, walang humpay na napapalalim ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan, at walang tigil na napapalakas ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Malawak ang prospek ng di-pampamahalaang pagkakaibigan ng Tsina at Rusya, dagdag ni Xi.
Umaasa rin siyang patuloy na gaganap ng mas malaking papel ang nasabing samahan para sa pagpapasulong ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Samantala, ipinaabot din ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang kanyang mensaheng pambati sa Samahan ng Pagkakaibigan ng Tsina at Rusya nang araw ring iyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio