CMG Komentaryo: Space station ng Tsina, magiging “space family” ng buong sangkatauhan

2022-11-01 11:38:37  CRI
Share with:

Noong Lunes ganap na alas-15:37, Oktubre 31 (Beijing time), 2022, matagumpay na inilunsad ang Mengtian lab module. Matapos ang 8 minuto, matagumpay na humiwalay ang Mengtian lab module sa carrier rocket at nakapasok sa nakatakdang orbita.


Ngayon may 3 module na kinabibilagan ng Tianhe, Wentian lab module at Mengtian, ang space station ng Tsina, makokompleto na ang misyon ng pagtatatag ng isang “T-shape structure” nito, at matatapos ang yugto ng in-orbit construction ng istasyong ito.


Ang pagtatatag ng space station ay mahalagang milestone ng usapin ng aerospace ng Tsina.


Palagiang iginigiit ng space program ng Tsina ang prinsipyo ng mapayapang paggamit, pagkakapantay-pantay at pagkakaroon ng may mutuwal na kapakinabangan, at komong pag-unlad.


Nilagdaan ng Tsina at mga bansang gaya ng Pransya, Alemanya, Italya, Rusya, Pakistan, at mga space organizations na tulad ng United Nations Office for Outer Space Affairs (UNOOSA) at European Space Agency ang kasunduang pangkooperasyon, isinasagawa ang iba’t-ibang porma ng proyektong pangkooperasyon, at natamo ang kapansin-pansing bunga.


Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, nagbubukas ang space station ng Tsina para sa lahat ng miyembro ng UN.


Hanggang sa kasalukuyan, ang 9 na proyekto mula sa 17 bansa at 23 entidad ang napili bilang unang grupo ng proyekto ng siyentipikong pagsubok ng space station ng Tsina.


Nabibilang ang kalawakan sa buong sangkatauhan, kaya karapat-dapat itong makapaghatid ng benepisyo sa buong sangkatauhan.


Kasunod ng pagtatapos ng in-orbit construction, papasok ang space station ng Tsina sa yugto ng paggamit at pag-unlad na tatagal ng mahigit 10 taon.


Sa malapit na hinaharap, may pananalig na magiging “pamilya ng kalawakan” ang space station ng Tsina para sa magkakasamang paggagalugad ng buong sangkatauhan sa kalawakan.


Sa space station ng Tsina, magsisikap ang mga Tsino at dayuhang astronauts upang makapagbigay ng panibagong ambag sa pag-aaral ng sangkatauhan sa kalawakan at mapayapang pakikinabang sa biyaya ng kalawakan.


Salin: Lito

Pulido: Mac