Sa pagtatagpo kaninang umaga, Nobyembre 2, 2022 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Muhammad Shahbaz Sharif ng Pakistan, ipinahayag ni Xi ang paghanga sa matatag na pagpapasulong ng Pakistan sa mapagkaibigang kooperasyon sa Tsina.
Pinasalamatan din niya ang suporta ng Pakistan sa mga isyung may kinalaman sa nukleong kapakanan ng Tsina.
Sinabi ni Xi na patuloy na kakatigan ng Tsina ang pangangalaga ng Pakistan sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa, at pag-unlad at ng mga mamamayan nito.
Kaugnay naman ng malubhang baha na nangyari kamakailan sa Pakistan, sinabi ni Xi na magbibigay ng mas maraming tulong ang Tsina para sa rekonstruksyon ng mga apektadong lugar.
Inilahad din ni Xi ang mahahalagang bunga ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Diin niya, patuloy na igigiit ng Tsina ang patakaran ng pagbubukas sa labas.
Kasama ng Pakistan, nakahandang pahigpitin ng Tsina ang mga kooperasyon sa Pakistan sa mga larangang gaya ng imprastruktura, bagong enerhiya, agrikultura at teknolohiya, saad ni Xi.
Ipinahayag naman ni Muhammad Shahbaz Sharif na ang pagpapalalim ng relasyon sa Tsina ay pundasyon ng patakarang panlabas at komong palagay ng iba’t ibang sektor ng kanyang bansa.
Saad niya, matatag na iginigiit ng Pakistan ang patakarang isang Tsina at kinakatigan ang paninindigang Tsino sa mga isyung may kinalaman sa Taiwan, Tibet, Hong Kong at iba pa.
Pag-aaralan aniya ng Pakistan ang karanasan ng Tsina sa pagpapa-unlad ng bansa at ipagpapatuloy ang kooperasyon sa Tsina sa iba’t ibang larangan.
Kasama ng Tsina, nakahanda aniya ang Pakistan na pahigpitin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordinahan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio