Li Keqiang at Nguyen Phu Trong, nagtagpo

2022-11-02 16:06:06  CMG
Share with:

 

Nobyembre 1, 2022, Beijing – Sa pagtatagpo nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), tinukoy ni Li na sa tulong ng Biyetnam, nais isakatuparan ng Tsina ang mga narating na komong palagay upang mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng kalakalan, kabuhayan at iba pa.

 

Kabalikat ng Biyetnam, nakahanda aniya ang Tsina na angkatin ang mas maraming produktong agrikultural ng Biyetnam, at panatihilin ang kaayusa’t kombinyenteng kalakalan sa mga puwerto sa hanggahan ng dalawang bansa.

 

Kaugnay ng relasyon ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinahayag ni Li na sa pamamagitan ng pagtutulungan patitibayin pa ang mainam na relasyon at pasusulungin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

 

Nakahanda ang Tsina na pangalagaan, kasama ng mga bansang ASEAN, ang katatagan at kapayapaan ng South China Sea, dagdag pa ni Li.

 

Ipinahayag naman ni Nguyen, na sa tulong ng Tsina, handa ang Biyetnam na mabisang isulong ang mga komong palagay ng dalawang bansa at ibayo pang palakasin ang pagkakaunawaan, kooperasyon at relasyon ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio