Sa pulong ng Ikatlong Komisyon ng Ika-77 Sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN) Oktubre 31, 2022, binigkas ng kinatawan ng Cuba ang isang magkakasamang pahayag para tutulan ang pakikialam ng ibang bansa sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katuwiran ng karapatang pantao.
Sa ngalan ng 66 na bansa, ipinahayag ng kinatawan ng Cuba na ang mga suliranin ng Xinjiang, Hong Kong at Tibet ay mga suliraning panloob ng Tsina.
Anang pahayag, tutol ang 66 na bansa sa pagsasapulitika ng isyu ng karapatang pantao, at double standard sa isyu ng karapatang pantao.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio