Kaugnay ng hiling ng Amerika sa mga bansa na gaya ng Hapon na limitahan ang pagluluwas ng semiconductor sa Tsina, ipinahayag nitong Miyerkules, Nobyembre 2, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasang magdidisisyon ang mga bansa batay sa sariling pangmatagalang kapakanan at pundamental na kapakanan ng komunidad ng daigdig.
Tinukoy ni Zhao na maraming beses na inabuso ng Amerika ang pagkontrol at paglimita sa pagluluwas para isagawa ang blokeyo at pagpigil sa mga bahay-kalakal ng Tsina. Sinabi pa ni Zhao na iniimpluwensyahan din ng Amerika ang mga bansang kaalyado para sumama sa mga halbang ng pagpigil sa kabuhayan ng Tsina.
Ang mga aksyon ng Amerika aniya ay nakapinsala nang malaki sa katatagan ng industrial at supply chain ng buong daigdig, malubhang lumabag sa tadhana ng malayang kalakalan at malubhang nakapinsala sa pag-unlad ng ibang mga bansa at kapakanan ng kanilang mga mga mamamayan.
Sinabi ni Zhao na nakahanda ang Tsina na tutulan, kasama ng komunidad ng daigdig ang pagbabanta ng Amerika sa kabuhayang pandaigdig at magkasamang pangalagaan ang katatagan ng tadhana at pundasyon ng sistemang pangkabuhayan ng buong daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Mac