MOFA:Ideyang “human community with a shared future” bahagi ng mga UN resolutions kontra sa pagpapalaganap ng armas sa kalawakan

2022-11-04 14:25:17  CMG
Share with:

Pinagtibay noong Nobyembre 2, 2022 ng Ika-77 sesyon ng Pangkalatahang Asembleya ng United Nations (UN) ang resolusyong “No first Placement of Weapons in Outer Space” at “Further Practical Measures for the Prevention of an Arms Race in Outer Space” na magkasamang isinumite ng Tsina at Rusya.


Ang naturang dalawang resolusyon ay layong pigilan ang paligsahan sa armas sa kalawakan at magkasama at buong sikap na itatag ang “human community with a shared future”.


Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Nobyembre 3, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Tsina, na ang ideyang “human community with a shared future” ay kabilang sa resolusyon ng UN na may kinalaman sa seguridad ng kalawakan nitong nakalipas na 6 na taong singkad.


Ipinahayag ni Zhao na ang mga katotohanan ay nagpatnubay sa ideyang ito na angkop sa komong ekspektasyon ng komunidad ng daigdig at tumanggap sa suporta at pagsang-asyon ng karamihan ng mga bansa sa daigdig, lalo na ng mga umuunlad na bansa.


Sinabi ni Zhao na nakahanda ang Tsina na magkasamang harapin, kasama ng iba’t ibang bansa ng daigdig, ang mga hamong pandaigdig para makalikha ng mas magandang kinabukasan ng buong sangkatauhan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac