Pormal nang nagbukas umaga ng Nobyembre 6, 2022 ang pabilyon ng Pilipinas sa Ika-5 China International Import Expo (CIIE) na idinaraos ngayon sa Shanghai, Tsina.
Mga miyembro ng Philippine Embassy, Consulate General of the Philippines sa Shanghai at mga eksibitor na Pilipino
Ang CIIE ay isa sa mga pinakamalaking kaganapang sinalihan ngayong taon ng Pilipinas.
Sa 63 Pilipinong kompanyang kalahok, 40 ang nasa larangan ng pagkain, at ang iba pang 23 ay mga kompanyang gumagawa ng produktong niyog.
Pabilyon ng Pilipinas na punung-puno ng mga bisita
Sapul nang magsimula ang CIIE noong 2018, taun-taong lumalahok ang Pilipinas. Noong 2021 CIIE, umabot sa USD$597.34 milyon ang onsite export sales ng bansa, na tumaas ng 29.3% kumpara noong 2020 na nagkahalaga lamang ng USD$462 milyon.
Pabilyon ng Pilipinas sa Ika-5 China International Import Exhibition (CIIE)
Samantala, USD$389.70 milyon at USD$124 milyon ang naabot sa ikalawa at unang CIIE, ayon sa pagkakasunod.
(Mula sa kaliwa) Josel F. Ignacio, Consul General ng Pilipinas sa Shanghai; Ran Deyan, opisyal mula sa Departmento ng Asya ng Ministring Panlabas ng Tsina at Ana Abejuela, Agricultural Counselor ng Pilipinas sa Tsina, habang bumibisita sa pabilyion ng Pilipinas sa Ika-5 China International Import Exhibition (CIIE)
Layon ng CIIE na buksan ang panloob na merkado ng Tsina sa mga internasyonal na kompanya at suportahan ang liberalisasyong pangkalakalan at globalisasyong pangkabuhayan.
Mga mamimili habang tinitikman ang banana chips galing sa Excellent Quality Goods Supply Co. ng Pilipinas
Alok nito ang malaking benepisyo sa mga bansa at rehiyon ng daigdig na magbubunsod ng mas malakas na pagpapalitan at pagtutulungang pangkabuhaya’t pangkalakalan.
Ulat: Sissi
Pulido: Rhio
Web Editor: Lito