Magkakasamang pagsisikap sa pangangalaga sa mga latian, ipinanawagan ni Xi Jinping

2022-11-06 14:02:37  CRI
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati nitong Sabado, Nobyembre 5, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-14 na Pulong ng mga Signataryong Panig ng Ramsar Convention on Wetlands (COP14).


Tinukoy ni Xi na mula sinaunang panahon, namumuhay ang sangkatauhan sa paligid ng tubig, at may mahigpit na kaugnayan ang produksyon at pamumuhay ng sangkatauhan sa mga latian.


Dapat aniyang palalimin ng komunidad ng daigdig ang kaalaman at palakasin ang pagtutulungan para magkakasamang mapasulong ang pandaigdigang aksyon sa pangangalaga sa mga ito.


Tungkol dito, iniharap ni Xi ang 3 mungkahi:


Una, pagtitipun-tipon ng pagkakasundo ng buong daigdig sa pagpapahalaga sa mga latian, at bawasan ang pagsira at pagpinsala sa mga ito.


Ikalawa, pagpapasulong sa proseso ng pangangalaga sa mga latian sa buong mundo, at paglalakip sa mas maraming mahalagang latian bilang natural reserve area.


Ikatlo, pagpapatingkad sa pungsyon ng mga latian at pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad upang makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio