Maraming order ng produkto, inaasahan ng mga kalahok na kompanyang Pinoy sa Ika-5 CIIE

2022-11-06 14:07:15  CRI
Share with:

Si Josel F. Ignacio (sa gitna), Consul General ng Pilipinas sa Shanghai 


Sa pamamagitan ng video link, dumalo at bumigkas ng talumpating pinamagatang “Magkakasamang Paglikha ng Bukas at Masaganang Magandang Kinabukasan”Biyernes, Nobyembre 4, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-5 China International Import Expo (CIIE).


Pinuri naman ng mga kalahok na dayuhang negosyante ang ginawang pangako ni Xi hinggil sa ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas.


Umaasa silang makakamtan ang oportunidad dala ng de-kalidad na pag-unlad at pagbubukas ng Tsina sa labas.


Kaugnay nito, ipinahayag ni Josel F. Ignacio, Consul General ng Pilipinas sa Shanghai, na nitong nagdaang ilang taon, nananatiling pinakamalaking trade partner ng Pilipinas ang Tsina.


Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng kasalukuyang CIIE, patuloy na mapapasulong ang mga industriyang kinabibilangan ng inumin, pagkain, at iba pang produkto ng pagpoproseso.


Inaasahan din ng mga kalahok na negosyanteng Pilipino ang maraming oder sa Ika-5 CIIE, dagdag pa niya.


Kalahok sa Ika-5 CIIE ang 145 bansa, rehiyon, at organisasyong pandaigdig.


Salin: Lito


Pulido: Rhio