Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng ika-5 China International Import Expo (CIIE) sa lunsod Shanghai, Nobyembre 4, 2022, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ibayo pang pasusulungin ng bansa ang de-kalidad na pagbubukas sa labas, at kasama ang daigdig, ibabahagi ang pagkakataon ng pag-unlad.
Ayon sa datos, mula una hanggang ika-apat na CIIE, inangkat ng Tsina ang mahigit USD$270 bilyong halaga ng paninda, at sa platapormang ito, isinapubliko ang mahigit 1,500 bagong produkto, teknolohiya at serbisyo.
Dahil dito, masasabing ang CIIE ay isang mahalagang pinto ng Tsina sa labas at produktong pampubliko para sa buong daigdig.
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig ang mga hamon na gaya ng implasyon, pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at heopolitikal na di-pagkakasundo.
Kaya ang pagdaraos ng Ika-5 CIIE ay malaking makakatulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Halos 145 bansa, rehiyon at pandaigdigang organisasyon, at 284 na malalaking bahay-kalakal sa buong daigdig ang lumalahok sa Ika-5 CIIE.
Ipinakikita nito ang kompiyansa ng mga bahay-kalakal ng mundo sa pagkakataong handog ng Tsina.
Ang pamilihang Tsino ay mayroong mahigit 1.4 bilyong populasyon na kinabibilangan ng mahigit 400 milyong middle income pataas.
Bukod dito, inaangkat ng Tsina ang halos USD$2.5 trilyong halaga ng paninda at serbisyo, taun-taon.
Ang mga ito ay magagandang kondisyon para sa daigdig upang makibahagi sa pamilihang Tsino.
Idinagdag ni Xi, na pabibilisin ng Tsina ang konstruksyon ng domestikong pamilihan, patataasin ang antas ng kalakalan ng mga paninda at serbisyo, at palalakihin ang pag-a-angkat ng mga de-kalidad na produkto.
Ipinakikita nito na ibayo pang magbubukas ang Tsina sa daigdig para maibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio