The Light of Internet Expo, binuksan

2022-11-08 16:38:57  CMG
Share with:

 

Binuksan ngayong umaga, Nobyembre 8, 2022 sa Bayang Wuzhen ng lalawigang Zhejiang ang 2022 The Light of Internet Expo.

 

Ito ay mahalagang bahagi ng 2022 World Internet Conference na bubuksan bukas, Nobyembre 9, sa nasabing bayan.

 

Kabilang sa mga aktibidad sa ekspong ito ay: pagtatanghal ng mga bagong digital na produkto at teknolohiya, at pagpapalitan ng mga talento.

 

Dumalo rito ang 415 bahay-kalakal mula sa 40 bansa’t rehiyon na kinabibilangan ng Tsina.

 

Kauna-unahan itong idinaos noong 2014 sa Wuzhen.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio