CMG Komentaryo: Britanya, dapat tumpak na harapin ang isyu ng Falkland Islands

2022-11-08 14:19:46  CMG
Share with:

 

Falkland Islands

Ipinahayag kamakailan ni James Cleverly, Secretary of State for Foreign, Commonwealth and Development Affairs ng Britanya, ang pasya ng kanyang bansa hinggil sa pagsasagawa ng talastasan sa Mauritius kaugnay ng soberanya ng Chagos Archipelago.

 

Umaasa aniya siyang mararating ang kasunduan sa taong 2023.

 

Kung nais ng Britanya na isagawa ang talastasan hinggil sa soberanya ng Chagos Archipelago, dapat aminin muna nito ang iligal na pagsakop sa Falkland Islands at isagawa ang talastasan sa Argentina hinggil sa pagmamay-ari ng nasabing isla.

 

Bilang bansang may pinakamaraming lupang kolonyal sa buong daigdig sa kasaysayan, sinakop ng Britanya ang Chagos Archipelago at Falkland Islands noong nakaraan.

 

Pagkatapos ng nasabing pahayag sa talastasan, hiniling din ng Argentina sa Britanya na muling isagawa ang talastasan hinggil sa Falkland Islands.

 

Ang talastasan sa pagitan ng Britanya at Mauritius ay nagpapakita ng progreso ng komunidad ng daigdig sa usapin ng kontra-kolonyalismo.

 

Hanggang sa kasalukuyan, 17 lugar na lamang sa buong daigdig ang nasa ilalim ng paghaharing kolonyal – 10 lugar sa mga ito ay nasa ilalim ng kontrol ng Britanya.

 

Kaya bukod sa Mauritius, dapat tumpak na harapin ng Britanya ang kahilingan ng Argentina.

 

Pagpasok sa ika-21 siglo, wala nang espasyo para sa kolonyalismo.

 

Dapat tumpak na pakitunguhan ng Britanya ang isyu ng Falkland Islands at maayos na lutasin ang usapin sa mga lupaing sinakop nito.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio