Op-Ed: Patuloy na paglawak ng “sirkulo ng kaibigan” ng CIIE, nagpapakita ng hangarin ng daigdig sa komong kaunlaran

2022-11-09 14:38:48  CRI
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Ika-5 China International Import Expo (CIIE) Nobyembre 4, 2022, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na “Mariing inihayag ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na iginigiit ng bansa ang pundamental na polisyang pang-estado na pagbubukas sa labas, bukas na estratehiyang may mutuwal na kapakinabangan tungo sa win-win na resulta, at tamang na direksyon ng globalisasyong pangkabuhayan, upang maipagkaloob sa daigdig ang bagong pagkakataon at mapasulong ang pagtatayo ng bukas na kabuhayang pandaigdig.”

Kaugnay nito, ang polisiya ng pagbubukas ang pangunahing tema ng CIIE.


Ayon sa estadistika, kalahok sa Ika-5 CIIE ang 145 bansa’t rehiyon na kinabibilangan ng Pilipinas, at iba pang maunlad, umuunlad, at ilang di-maunlad na bansa.


Kung babalik-tanawin ang mga nakaraang CIIE, makikitang patuloy na dumarami ang mga “repeat customer,” at mga “bagong kaibigan.”


Bakit? Mayroong 3 pangunahing sanhi.

Una, sa harap ng pagbabago ng kalagayang pandaigdig at pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kinikilala ng parami nang paraming bansa ang ideya ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kapalaran ng Sangkatauhan.


Sa kasalukuyan, nagiging malubha ang mga problemang tulad ng implasyon, pagbabago ng klima, sagupaang heopulitikal, krisis sa pagkaing-butil at enerhiya, at di sapat na lakas sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig


Sa paghupa ng epekto ng pandemiya, itinataguyod ng Tsina ang Ika-5 CIIE kung saan ibinabahagi ang malawak na merkado nito at pagkakataon ng pag-unlad.


Para sa iba’t-ibang bansa sa daigdig, partikular sa mga umuunlad na bansa, ang CIIE ay parang isang “cardiac stimulant.”

Ikalawa, bilang unang ekspo sa lebel ng estado na may temang pag-aangkat, ang CIIE ay isang oportunidad sa pagtatayo ng bagong kayariang pangkaunlaran, plataporma ng pagpapasulong ng de-kalidad na pagbubukas sa labas, at pandaigdigang pampublikong platapormang magkakasamang tinatamasa ng buong mundo.


Di katulad ng kagawian ng ilang bansang Europeo at Amerika na nagbabawas ng trade deficit sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pagluluwas at pagbabawas ng pag-aangkat, ang CIIE ay isang malaking plataporma kung saan nagtutulungan ang Tsina at iba’t-ibang bansa sa daigdig tungo sa komong kaunlaran at kasaganaan.

Magmula nang mag-umpisa ang CIIE noong 2018, taun-taong lumalahok ang Pilipinas, at taun-taon ding tumataas ang halaga ng mga nalalagdaang kontrata.


Sa Ika-5 CIIE, lumampas sa USD$607 milyon ang halaga ng nalagdaang kontrata ng mga Pilipinong eksibitor – isang bagong rekord sa kasaysayan.


Sa kanyang naka-video na talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng pabilyon ng Pilipinas, binati at pinasalamatan ni Kalihim Alfredo E. Pascual ng Department of Trade and Industry (DTI) ang matagumpay na pagdaraos ng Tsina ng Ika-5 CIIE.


Gayundin, nagpasalamat si Josel F. Ignacio, Consul General ng Pilipinas sa Shanghai, sa mahalagang papel ng CIIE para sa pagpapasulong ng pagpapalitan at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalang Pilipino-Sino.


Ikatlo, may kompiyansa ang iba’t-ibang bansa sa kabuhayang Tsino, at may tiwala sila sa pangako ng Tsina sa pagbubukas sa labas.


Nitong ilang taong nakalipas, palagiang isinusulong ng Tsina ang de-kalidad na pagbubukas sa labas at pagtatayo ng bukas na kabuhayang pandaigdig.


Bukod sa CIIE, ang China Import and Export Fair, China International Fair for Trade in Services (CIFTIS), China-ASEAN Expo (CAExpo), China International Fair for Investment and Trade (CIFIT), at iba pa, ay pawang mga mahalagang pagpapakita ng matatag na determinasyon ng Tsina sa de-kalidad na pagbubukas sa labas tungo sa win-win na resulta.

Taun-taon, nakikita ang mga bago at matagal nang kaibigang Pilipino sa nasabing mga plataporma.


Bukod pa riyan, aktibong pinapabuti ng Tsina ang kapaligirang pangnegosyo nito.


Ayon sa Ulat ng Kapaligirang Pangnegosyo na inilabas ng World Bank (WB), umakyat sa ika-31 puwesto sa buong mundo ang kapaligirang pangnegosyo ng Tsina mula ika-96 noong 2013.


Sa mga okasyon sa loob at labas ng bansa, maraming beses na inihayag ni Pangulong Xi na lalawak ang pinto ng pagbubukas ng Tsina sa labas, at hindi ito isasarado.

Ipinakikita ng pagtataguyod ng Ika-5 CIIE ang lubos na pagsisikap ng Tsina kasama ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng Pilipinas tungo sa magkakasamang paglikha ng bukas, masagana, at magandang kinabukasan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio / Jade