Nag-usap nitong Miyerkules, Nobyembre 9, 2022 sa Phnom Penh, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya.
Ani Premyer Li, kinakatigan ng Tsina ang pagpili ng Kambodya sa landas ng pag-unlad batay sa sariling pambansang kalagayan.
Nakahanda aniya ang Tsina na palawakin ang pag-a-angkat ng mga produktong agrikultral ng Kambodya at maayos na iskatuparan ang mga proyekto sa imprastruktura, kalusugan at suplay ng tubig.
Winelkam din ni Li ang pag-aaral ng mga estudyanteng Kambodyano sa Tsina.
Ipinahayag ni Hun Sen ang kahandaan ng kanyang bansa na pahigpitin ang mga kooperasyon at pagpapalitan sa Tsina sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, agrikultura, imprastruktura, at kultura.
Kasama ng Tsina, nais aniyang palakasin ng Kambodya ang ugnayan at koordinasyon sa ilalim ng balangkas na multilatlismo.
Pagkatapos ng pag-usap, sinaksihan ng dalawang opisyal ang paglagda sa mga kasunduan ng kooperasyong ng dalawang bansang may kinalaman sa agrikultra, imprastruktura, medisinang Tsino, at edukasyon.
Dinaluhan din nila ang seremonya ng pagsasa-operasyon ng Phnom Penh-Sihanoukville Expressway.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio