Hanggang Nobyembre 7, 2022, lampas na sa 10 milyong tonelada ang bolyum ng panindang naihatid sa pamamgitan ng China-Laos Railway.
Kaugnay nito, inihayag Miyerkules, Nobyembre 9, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina, na ang naturang daambakal ay isa lamang sa mga “China-built project” sa iba’t ibang bansa sa buong daigdig.
Aniya pa, ang mga proyektong ito ay tuluy-tuloy na makakatulong sa pag-unlad ng iba’t ibang bansa at magdudulot ng aktuwal na pakinabang sa kanilang mga mamamayan.
Saad ni Zhao, matatagpuan sa mahigit 190 bansa’t rehiyon, ang naturang mga proyektong Tsino ay mainit na tinatanggap ng mga lokal na residente, sustenable at may mataas kalidad.
Hatid ng mga ito ang pakinabang sa pamumuhay at pag-unlad sa kabuhayan, dagdag niya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio