CPC: ibayo pang pabubutihin ang pagpigil at pagkontrol sa COVID-19

2022-11-11 12:20:53  CMG
Share with:

Nagpulong Huwebes, Nobyembre 10, 2022 ang Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para suriin ang ulat sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at pag-aralan ang pagsasagawa ng mga hakbangin tungo sa ibayo pang pagpapabuti ng pagpigil at pagkontrol sa nasabing sakit.

 

Tinukoy sa ulat na tuluy-tuloy ang ebolusyon at pagkalat sa buong daigdig ang coronavirus, kaya nahaharap ng Tsina ang malaking hamon at presyur.

 

Dagdag ng ulat, dapat kompleto, nakalapat at komprehensibo ang pagsasakatuparan ng mga kapasiyahan at plano ng komite sentral ng CPC para mapangalagaan ang kaligtasan, kalusugan at buhay ng mga mamamayan, at mapahupa ang epekto ng pandemiya sa pag-unlad ng kabuhayan.

 

Tinukoy din sa ulat na kinakailangang agarang isagawa ang katugong hakbangin para matigil ang pagkalat ng coronavirus at mapabilis ang pagpapanumbalik ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagtakbo ng mga bahay-kalakal.

 

Napagkasunduan sa pulong, na pabibilisin ng Tsina ang pagdedebelop ng mga bakuna at gamot para sa COVID-19.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio