Sa pagtatagpo nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Premyer Li Keqiang ng Tsina sa sidelines ng Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3), sumang-ayon sila sa ibayo pang pagpapalalim ng relasyong Pilipino-Sino.
Ani Marcos, sa tulong ng Tsina, magsisikap ang Pilipinas upang mapasulong ang bagong progreso sa relasyon ng dalawang bansa at kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Sinabi naman ni Premyer Li na malalim ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Pilipino.
Ang komong kapakanan ng dalawang bansa ay mas malaki aniya kaysa sa alitan, at mainam ang pag-unlad ng kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang pakikipagpalitan sa Pilipinas sa mataas na lebel, at magsikap kasama ng mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas, para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, sa pundasyon ng paggagalangan sa isa’t-isa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio