Populasyon ng daigdig, 8 bilyon

2022-11-15 16:22:21  CMG
Share with:

 

Ipinatalastas ngayong araw, Nobyembre 15, 2022 ng United Nations (UN) na umabot na sa 8 bilyon ang populasyon ng buong daigdig.

 

Ayon sa UN, ang nasabing paglaki ng populasyon ay bunga ng pag-unlad ng kalusugang pampubliko, medisina, sustansya at indibiduwal na kalusugan.

 

Bukod dito, ang mataas na birth rate ng ilang bansa ay nagpasulong din sa mabilis na paglaki ng populasyon ng daigdig, dagdag ng UN.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio