Kumusta, Bali!

2022-11-15 16:30:32  CMG
Share with:

Mula Nobyembre 15 hanggang 16, 2022, idinaraos ang Ika-17 Summit ng mga Lider ng Group of 20 (G20) sa Bali, Indonesya.


Sa imbitasyon ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, kalahok sa naturang summit si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Ito ay bahagi ng kanyang opisyal na pagdalaw sa bansa mula ika-14 hanggang ika-17 ng Nobyembre.


Bilang isa sa mga atraksyong panturista sa daigdig, kilalang-kilala ang Bali dahil sa mga kagila-gilalas na templo, mahusay na pag-ukit, pagpipinta at paghahabi, magaling na musika’t sayaw, at mga kaakit-akit na tanawin.


Salin: Kulas

Pulido: Rhio Zablan