Ipinahayag nitong Nobyembre 15, 2022, sa Ika-3 Sesyon ng Conference on the Establishment of a Middle East Zone Free of Nuclear Weapons and Other Weapons of Mass Destruction na idinaraos ng United Nations (UN), ni Geng Shuang, Pirmihang Pangalawang Kinatawang Tsino sa UN, na kailangang itatag ang sona ng ligtas sa malawakang pamuksang sandata at sandatang nuklear sa rehiyon ng Gitnang Silangan.
Aniya, ang inisiyatibang “Gulf Region Multilateral Dialogue Platform” na inilabas ng Tsina ay maaaring magbigay ng positibong ambag para rito.
Dagdag pa niya, ang mga pandaigdigang dokumentong pambatas na kinabibilangan ng “Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT),” “Chemical Weapons Convention (CWC),” “Biological Weapons Convention (BWC)” at iba pa, ay nakapaglatag ng matatag na pundasyon para sa isyung ito.
Sa lalo madaling panahon, dapat sumali sa naturang mga kasunduan at mahigpit na sumunod sa mga regulasyon ang lahat ng bansang hindi pa kalahok, saad ni Geng.
Saad niya, nakahandang magsikap ng Tsina, kasama ng iba’t ibang kinauukulang panig, para isulong ang pagtatatag ng sona ng ligtas sa malawakang pamuksang sandata at sandatang nuklear sa rehiyon ng Gitnang Silangan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio