Dokumentaryong “All Aboard! Southeast Asia’s First High-Speed Railway” isasahimpapawid

2022-11-16 14:34:08  CMG
Share with:

Kasabay ng pagsisimula ngayong araw, Nobyembre 16, 2022 ng subok-takbo ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway, isasahimpapawid ang dokumentaryong “All Aboard! Southeast Asia’s First High-Speed Railway.”

 

Isasalaysay ng 30-minutong dokumentaryong ito ang mga kagila-gilalalas na panahon sa proseso ng konstruksyon, mga bagong natupad na breakthrough sa teknolohiyang pangkonstruksyon, at mga ekspektasyon ng mga lokal na mamamayan at opisyal ng pamahalaan.

 

Bilang flagship na proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Indonesya sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ng Tsina at Global Maritime Fulcrum (GMF) vision ng Indonesya, ipinakikita ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway ang mainam na pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Ang “All Aboard! Southeast Asia’s First High-Speed Railway” ay magkasamang iniprodyus ng China Global Television Network ng China Media Group (CGTN-CMG) at METRO TV ng Indonesya.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio/Jade