Peng Liyuan at Iriana Joko Widodo, nagtagpo

2022-11-17 09:30:18  CMG
Share with:

Nagtagpo kahapon, Nobyembre 16, 2022 sa Bali Island, Indonesya sina Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, at Unang Ginang Iriana Joko Widodo ng Indonesya.

 

Hinangaan ni Peng ang mga ambag ni Iriana sa pampublikong kapakanan ng mga Indones.

 

Inilahad din niya ang mga patakaran at nakamtan ng Tsina sa pagpigil at paglunas sa mga sakit na Tuberculosis(TB) at Acquired Immuno Defficiency Syndrome (AIDS).

 

Nais ni Peng na palakasin ng Tsina at Indonesya ang pagtutulungan sa larangan ng pampublikong kapakanan at magkasamang pagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Kasama ni Iriana, binisita rin ni Peng ang pagtatanghal ng mga tradisyonal na kultura, sining at produktong gawang-kamay ng Indonesya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio