Konstruksyon ng Asia-Pacific community with shared future, isusulong ng Tsina – Xi Jinping

2022-11-17 23:50:37  CMG
Share with:

Sa kanyang nakasulat na talumpati sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit Nobyembre 17, 2022, sa Bangkok ng Thailand, sinabi ni Pangulong Xi Jinping na isusulong ng Tsina ang konstruksyon ng Asia-Pacific community with shared future upang mas mapatatag at mapasagana ang rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Para rito, kailangan aniyang igiit ang landas ng mapayapang pag-unlad, pagbubukas, pagbabahaginan at pagkakaisa.

 

Ani Xi, dapat ding igarantiya ang komportableng pamumuhay ng mga mamamayan kasabay ng pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan, at dapat tutulan ang trade protectionism at unilateralism para maigarantiya ang kaayusan at katatagan ng industrial at supply chain.

 

Maliban diyan, inilahad niya ang saligang katangian at esensya ng modernisasyong Tsino.

 

Winewelkam ng Tsina ang paglahok ng mga bahay-kalakal ng Asya-Pasipiko sa konstruksyon ng modernisasyon ng Tsina, saad pa niya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio