FIFA World Cup - Qatar 2022, bubuksan Nobyembre 21

2022-11-17 15:01:58  CMG
Share with:

Bubuksan sa Qatar, Nobyembre 21, 2022 ang FIFA World Cup 2022.

 

Tatagal ito hanggang Disyembre 18.

 

Kalahok rito ang 32 koponan mula sa iba’t-ibang bansa at rehiyon.

 

Lahat ng 64 na laro ng World Cup ay isasahimpapawid sa mga plataporma ng China Media Group (CMG) na kinabibilangan ng CCTV-5, CCTV-5 Plus, CCTV-16, Yangshipin, at iba pa.

 

Samantala, isasahimpapawid ng CCTV-16, Olympic Channel ng CMG ang mga laro sa 4K Ultra High Definition.

 

Bukod diyan, itatatag ng CMG ang kumpletong sistema ng pagsasahimpapawid gamit ang mga mataas na teknolohiya na gaya ng 4K, 5G, at artificial intelligence (AI) upang maikober ang mga laro sa aktuwal na oras.

 

Kalahok din ang mga kompanyang Tsino sa pagtatayo ng mga istadyum at mga pasilidad pangkomunikasyon sa Qatar, pagbibigay ng iba’t-ibang produkto, at serbisyo ng mga pang-araw-araw na pangangailangan.

 

Sa larangan ng transportasyon, 888 sasakyang de-koryente na gawang Tsino ang magseserbisyo sa panahon ng Qatar World Cup.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio/Jade