Sa kanyang talumpati Ika-29 na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting ngayong araw, Nobyembre 18, 2022, sa Bangkok ng Thailand, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Asya-Pasipiko ay mahalagang puwersa sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at bilang tugon sa kasalukuyang kalakagayang pandaigdig, dapat magtulungan ang mga bansa sa Asya-Pasipiko para itatag ang Asia-Pacific community with shared future at magkasamang likhain ang bagong bunga ng kooperasyon.
Kaugnay nito, iniharap niya ang mga mungkahi sa pagtatatag ng isang Asya-Pasipiko na mapayapa, matatag, masagana, malinis, maganda, at nagkakaisa.
Kabilang sa mga ito ay:
· una, pangangalaga sa katarungan at pagkakapantay-pantay ng daigdig;
· ikalawa, paggigiit sa pagbubukas at pagbabahaginan;
· ikatlo, paggigiit sa berdeng pag-unlad; at
· ikaapat, paggigiit sa pagkakaisa at pagtutulungan.
Ani Xi, nakahanda ang Tsina na mapayapang makipamuhayan sa iba’t ibang bansa sa pundasyon ng paggalang sa isa’t isa, pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan.
Patuloy aniyang igigiit ng Tsina ang mas malawak at de-kalidad na pagbubukas sa labas para ipagkaloob ang pagkakataon ng pag-unlad para sa buong daigdig, partikular sa Asya-Pasipiko, dagdag ni Xi.
Ang tema ng Ika-29 na APEC Economic Leaders’ Meeting ay pagbubukas, komunikasyon at pagkabalanse.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio