Kooperasyon ng CMG at Public Relations Department ng Thailand, palalakasin

2022-11-18 16:43:55  CMG
Share with:

Kasabay ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Thailand, sumang-ayon ang China Media Group (CMG) at Public Relations Department (PRD) ng Thailand sa paglalagda ng memorandum ng kooperasyon.

 

Ayon dito, itatayo ng dalawang panig ang mekanismo ng regular na kooperasyong naglalayon na palakasin ang pagtutulungan sa pagkokober ng mga pangyayari; at magsusulong sa mga pagsasanay, pagpapalitan ng tauhan at teknolohiya.

 

Ang PRD ay departamento ng Pamahalaang Thai na nasa pamumuno ng National TV, National Radio at ibang state-run media ng bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio