Chao Sam Phraya National Museum, binista ng unang ginang ng Tsina

2022-11-18 17:06:24  CRI
Share with:

Sa paanyaya ni Naraporn Chan-o-cha, asawa ng punong ministro ng Thailand, binisita kaninang umaga, Nobyembre 18, 2022, ni Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina ang Chao Sam Phraya National Museum.


Kasama rin sa pagbisita ang iba pang lider na kalahok sa Ika-29 na Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at kanilang mga kabiyak.


Malugod na nakipag-ugnayan si Peng sa nasabing mga lider at kanilang mga asawa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio