Ika-50 anibersaryo ng relasyong Sino-Jamaica, ipinagdiriwang: mensaheng pambati, ipinadala sa isa’t-isa ng mga lider ng dalawang bansa

2022-11-21 16:05:53  CMG
Share with:

 

Ipinadala sa isa’t-isa Nobyembre 21, 2022 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Governor-General Patrick Linton Allen ng Jamaica ang mensaheng pambati sa isa’t isa para sa ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Ani Xi, sapul nang itatag ang ugnayan ng Sino-Jamaica, nananatili itong mainam.

 

Lubos na pinahahalagahan ni Xi ang relasyon ng dalawang bansa at nakahanda siyang pasulungin ang nasabing relasyon sa iba’t ibang larangan.

 

Ipinahayag naman ni Allen na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Jamaica-Sino, 50 taon na ang nakaraan, naging mabunga ang ugnayan sa maraming larangan.

 

Sinabi ni Allen na ikinatutuwa niya ang naturang mga bunga.

 

Sa tulong ng Tsina, nakahanda ang Jamaica na patuloy na pahigpitin ang bilateral na estratehikong partnership, dagdag niya.

 

Bukod diyan, ipinadala rin nang araw ring iyon nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Andrew Holness ng Jamaica ang mensaheng pambati sa isa’t-isa.


Salin:Ernest

Pulido: Rhio