Paggalugad sa kalawakan, dapat pakinabangan ng sangkatauhan – Xi Jinping

2022-11-21 17:56:43  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe ngayong araw, Nobyembre 21, 2022 sa simposyum hinggil sa inobasyon at paggagalugad ng kalawakan, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na aktibong isinasagawa nitong mga nakalipas na taon ng Tsina ang eksplorasyong pangkalawakan.

 

Layon aniya nitong palalimin ang kaalaman ng sangkatauhan hinggil sa kalawakan.

 

Kasama ng iba’t ibang bansa ng daigdig, nakahanda ang Tsina upang galugarin at mapayapang gamitin ang kalakawan upang pakinabangan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ang teknolohiyang pangkalawakan, dagdag pa niya.

 

Ang naturang simposyum ay isang mahalagang bahagi ng 2022 China Space Conference na binuksan ngayong araw sa lunsod Haikou, lalawigang Hainan, gawing timog ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio